Thursday, June 11, 2026

Mahigit 20 sangkot sa Ateneo team-building tragedy sa Aurora, binigyan ng subpoena ng CIDG; lookout order para sa mga person of interest, hiniling na rin sa DOJ

Kinumpirma ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGen. Robert Morico II na nagbigay na ito ng subpoenas sa mahigit 20 indibidwal na sangkot sa nangyaring insidente sa Ateneo-team building na ikinasawi ng 2 college basketball players sa Aurora noong June 8.

Ayon kay Morico, kabilang sa mga binigyan ng subpoenas ang mga coaches, players, resort owner, staffs, local government unit, maging ang bus driver na sinakyan ng mga nasabing kasama sa nasabing isinagawang aktibidad.

Ayon pa kay Morico, inaasahang sisipot sa kanilang patawag ang mga pina-subpoena sa Lunes sa iba’t ibang oras.

Layon ng nasabing imbestigasyon ay para malaman kung may criminal liability sa nasabing insidente.

Samantala, nag-request na rin ang CIDG sa Department of Justice (DOJ) ng Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO para mapigilan ang mga persons of interest (POI) na makalabas ng bansa kabilang na ang isang foreign national.

Dagdag pa sa kumpirmasyon ni Morico na hindi bababa sa tatlong indibididwal ang tinitingnan nilang POI ngunit tumanggi naman si Morico na pangalanan ang mga ito.

Kaugnay nito, inanunsyo ng CIDG na na-established na rin ang timeline bago at pagkatapos ng insidente.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol dito.

Facebook Comments