𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗡𝗣 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗖𝗢𝗥𝗣𝗦 𝗡𝗔𝗚 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗧𝗘𝗦𝗬 𝗖𝗔𝗟𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗡𝗣 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Nag-courtesy call sa opisina ng Police Regional Office 1 sa San Fernando City La Union ang bagong buo ng Pangasinan PNP Press Corps.

Ito ay upang mapagtibay pa ang Samahan ng Media sa lalawigan ng Pangasinan at ng PNP sa buong Ilocos Region.

Ibinahagi rin ng PNP ang kanilang mga plano kasama ang seven-point agenda ni General Evangelista.

Kasama ng PNP Pangasinan Press Corps na bumiyahe pa La Union si Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan dela Cruz upang bumisita sa opisina ni PNP Region 1 Regional Director Brigadier General Lou Evangelista.

Kumpleto naman ang core Officers ng PNP Pangasinan Press Corps na nagtungo sa lalawigan ng La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments