
Nanganganib na tuluyang ma-block sa Pilipinas ang Discord matapos hindi ito bigyan ng palugit ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC.
Reddit lamang ang nabigyan ng dagdag na panahon matapos direktang makipagpulong sa ahensya at maglatag ng commitment sa online safety.
Nagpadala naman ng liham ang Discord pero wala pa itong nakukuhang extension dahil wala pang pormal na pakikipag-ugnayan sa CICC.
Pero bakit nga ba big deal ito sa ilang Pinoy? bukod kasi sa gaming at online communities, posibleng maapektuhan din ang trabaho ng ilang Pilipino.
Ginagamit din kasi ang Discord ng freelancers, virtual assistants, developers at remote workers para makipag-usap sa clients, maghanap ng trabaho, mag-manage ng communities at makipag-collaborate sa iba’t ibang projects.
Nauna nang nagbabala ang CICC na posibleng paghigpitan o i-restrict ang access sa mga platform na hindi susunod sa requirements kaugnay ng online safety at proteksyon sa mga menor de edad.










