Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, tumaas muli

32

Umabot na sa 34,255 o 6.4% ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

1,894 naman ang bagong kaso habang ang bagong gumaling ay 397 at ang bagong binawian ng buhay ay 61.


Pumalo na ngayon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa sa 533,587 habang ang total recoveries ay 488,274 o 91.5%.

11,058 o 2.07% naman ang mga namatay.

89% naman ang mild cases, ang asymptomatic ay 6.0%, ang critical cases ay 2.3% habang ang severe cases ay 2.2% at ang moderate ay 0.51%.

Facebook Comments