
Nawindang ang aktres na si Barbie Imperial nang matanggap niya ang bill niya sa kuryente na umabot ng mahigit P18 thousand.
Sa Facebook post ng aktres, sinabi niyang mag-isa at halos wala rin umano siya sa kanyang condo araw-araw dahil sa 12 hanggang 14 hours na taping.
Matatandaang hindi lang si Barbie Imperial ang aktres na nagpahayag ng pagkadismaya sa umano’y hindi maipaliwanag na Meralco billing.
Gaya na lang ng aktor na si Jayson Gainza, na tila nagbiro pa na wala silang laundry shop, talyer, at wala rin umano silang apat na swimming pool pero umabot parin umano ng mahigit P17-K ang kanilang bill sa kuryente.
Gayundin si Cacai Mitra, kapatid ng singer na si Regine Velasquez, na umabot naman ng P94-K.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang Meralco tungkol sa nasabing Facebook post ni Barbie Imperial.










