Monday, June 29, 2026

DFA, nilinaw na aksidente ang pagkamatay ng 17-anyos na Pinoy na nahulog sa tulay sa Hong Kong

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatanggap ng report ang Phippine Consulate General sa Hong Kong mula sa mga pulis doon hinggil sa pagkamatay ng 17-anyos na Pinoy.

Ito ay matapos na mahulog ang menor de edad sa Chau Tsai Bridge sa Peng Chau nitong Biyernes.

Ayon sa DFA, dinala pa sa Pamela Youde Nethersole Hospital ng Hong Kong Government Flying Service ang Pinoy pero ideneklara itong wala nang buhay.

Wala naman anilang nakitang foul play ang Hong Kong Police sa pagkamatay ng biktima.

Tiniyak naman ng Konsulada ng Pilipinas ang tulong sa pamilya ng Pinoy sa pag-asikaso ng labi nito.

Facebook Comments