Aktres na si Liza Soberano, naglunsad ng isang podcast tungkol sa mental health

Nagsagawa ang aktres na si Liza Soberano ng isang podcast patungkol sa mental health ngayong nagpapatuloy ang COVID-19 pandemic.

Ang nasabing podcast ay pinamagatang “An open mind with Liza Soberano” kung saan bahagi ito ng kaniyang adbokasiya para sa mental health awareness.

Aminado naman ang aktres na hindi siya komportable sa pagho-host pero itinuloy pa rin niya ito dahil naniniwala siya sa misyon ng naturang podcast.


Nakasama ni Liza si Yassi Pressman sa kaniyang unang episode, kung saan ibinahagi ni Yassi kung paano niya nalagpasan ang pinagdaanang anxiety at panic attacks.

Facebook Comments