Tuesday, June 30, 2026

4 raliyista sa EDSA People Power Momument, inaresto ng pulisya

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office Spokesperson Police (NCRPO) Major Hazel Asilo, na dalawa ang sugatan sa kapulisan na agad na dinala sa Philippine National Police (PNP) General Hospital matapos ang girian sa kilos-protesta ng mga myembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA People Power Monument northbound.

Isa sa mga dinala ang babaeng pulis na naipit nang iatras-abante ang bus ng mga raliyista pabalagbag sa nasabing kalsada, habang ang isa naman ay sinapak ng isang miyembro mula sa mga raliyista.

Sa ngayon, apat na raliyista na umano ang inaresto, kabilang ang driver ng bus na nakaipit sa babaeng pulis, raliyistang nanapak ng pulis, at dalawa pa sa raliyista na hindi nasaway ng kapulisan.

Kasalukuyan na umanong nasa Police Station 8 ang apat na inaresto.

Facebook Comments