
Ibinasura ng Sandiganbayan ang petisyon ni Senador Jinggoy Estrada na i-consolidate o pagsamahin ang mga kasong plunder at graft na isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.
Sa walong pahinang resolusyon na may petsang Hunyo 24, sinabi ng anti-graft court na ang tatlong kaso ni Estrada ay patungkol sa magkakaibang transaksyon, at ang pagko-consolidate dito ay tiyak na magdudulot ng pagkaantala sa paglilitis sa kasong plunder, na isang non-bailable offense.
Ibig sabihin, kinakailangan munang maghain ni Estrada ng petition para makapagpiyansa, at kailangan itong aprubahan ng anti-graft court bago niya makuha ang pansamantalang kalayaan.
Ang dalawa pang kasong graft ni Estrada na may kaugnayan sa flood control ay nakabinbin sa Second at Fifth Divisions.
Ang graft charge ay isang bailable offense.










