Alabat, Quezon, niyanig ng Magnitude 4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang Alabat, Quezon kaninang 12:38PM.

Natunton ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang episentro ng lindol 14 km. North East ng bayan ng Alabat.

May lalim itong 1 km at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.


Naramdaman ang intensity 4 sa Alabat, Quezon.

Naitala naman ang Instrumental Intensities:

Intensity IV – Alabat, Quezon
Intensity II – Guinayangan, Quezon
Intensity I – Gumaca, Quezon

Wala namang namang inaasshang aftershock sa pagyanig.

Facebook Comments