Saturday, August 29, 2026

PAGPRAYORIDADNG KALIGTASAN AT KAPAKANAN NG MGA ESTUDYANTE SA MANGALDAN, BINIGYANG DIIN

Binigyang-diin sa isinagawang dayologo ni Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera Parayno kasama ang mga heads ng public education sector ng Mangaldan District I, District II, at Mangaldan National High School nitong Martes, August 25, 2026 ang pagbibigay prayoridad sa kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante sa kanilang nasasakupan.

Inihayag sa pulong ang pagkakaisa ng mga paaralan at LGU pagdating sa pagpapataas pa ng antas ng edukasyon ngunit sabay rin ang pagtutok sa kapanakan ng mga estudyante sa tuwing makararanas ng malalakas na pag-ulan at pagbaha rin sa ilang paaralan.

Dapat handa rin umano ang mga paaralan kung sakaling magpapatupad ng Alternative Learning Modalities (ALM) sa oras na maranasan ang patuloy na pagbabago sa nararanasang panahon.

Inihayag din ng alkalde na ang mga pagpapasyang may kaugnayan sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral ay dumaraan sa masusing konsultasyon.

Kabilang dito mga isinasagawan monitoring ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), dahil bukod sa mga paaralan ay tinututukan din ang mga nasasakupan lalo na ang mga nasa low lying areas na posibleng bahain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments