Isinagawa ng Tracker Team ng Bantay Municipal Police Station ang pagpapatupad ng warrant of arrest laban sa suspek noong September 2, 2026.
Ang akusado, isang 27 anyos na binata at residente ng Caibiran, Biliran, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Vigan City, Ilocos Sur.
Nahaharap ang akusado sa sampung bilang ng Qualified Theft, na may inirekomendang piyansa na 40 libong piso sa bawat kaso.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang akusado sa kustodiya ng Bantay MPS para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso bago i-turn over sa korte na naglabas ng warrant.
Ayon sa Bantay MPS, mananatili silang nakatuon sa pagpapatupad ng mga warrant of arrest upang matiyak na ang mga indibidwal na may nakabinbing kaso ay maiharap sa korte at mapalakas ang pagpapatupad ng batas at hustisya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








