Isinagawa ang aktibidad sa temang, “Strengthening Civilian Oversight and Collective Action for Safer Communities,” na nagbigay-diin sa mahalagang papel ng mga sibilyan, pakikilahok ng komunidad, at pagpapatibay ng ugnayan ng mga law enforcement agency, pamahalaan, akademya at iba pang sektor sa pag-iwas sa krimen.
Tinatayang 500 college students at 150 kinatawan ng Student Body Organization ang dumalo sa aktibidad, na naglalayong hikayatin ang kabataan na makibahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad, responsableng pagkamamamayan at crime prevention sa kanilang mga paaralan at komunidad.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at inter-agency cooperation sa pagtugon sa mga banta sa kapayapaan at seguridad, gayundin ang aktibong partisipasyon ng kabataan at iba pang miyembro ng komunidad sa crime prevention.
Sinundan ito ng Aggressive Behavior and Safety Response Drill, kung saan ipinakita ang mga angkop na hakbang sa pagtugon sa agresibong pag-uugali at mga sitwasyong maaaring magdulot ng panganib.
Binigyang-diin sa demonstrasyon ang kahalagahan ng kahandaan, situational awareness, tamang response protocols at koordinasyon upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga indibidwal at ng buong komunidad.
Ayon sa LUPPO, ang pakikilahok nito sa NCPW kick-off ceremony ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mas matibay na police-community partnership, aktibong pakikilahok ng mga sibilyan at sama-samang pagkilos para sa pag-iwas sa krimen at pagkakaroon ng mas ligtas na mga komunidad sa La Union. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








