LALAKI, NASAWI MATAPOS MATABUNAN NG GUMUHONG LUPA AT PUTIK SA LABRADOR

Natabunan ng gumuhong lupa at putik sa isang bulubunduking bahagi ng bayan ng Labrador ang isang lalaki na nagresulta sa pagkasawi nito.

‎Ayon sa naunang ulat, naglalakad ang biktima kasama ang apat nitong katrabaho mula sa kanilang barracks papunta sa itinakdang sana sa lugar kung saan sila susunduin ng sasakyan para makababa ng bundok.

‎Sa kanilang paglalakad, bigla na lamang umanong gumuho ang bahagi ng lupa mula sa gilid ng bundok at dumulas patungo sa kinaroroonan ng grupo kung saan nagawang umiwas ng apat na kasama ng biktima.

‎Samantala, tumalon naman umano ang biktima dahil sa panic at tinulak pababa ng lupa at putik kaya ito natabunan.

‎Agad silang tinulungan ng iba pang manggagawa matapos humingi ng tulong ang isang kasama nila.

‎Mano mano nilang tinanggal ang mga lupa at putik hanggang sa matagpuan ang biktima.

‎Naisugod ang biktima at apat na kasama nito sa ospital ngunit naideklerang dead on arrival ang biktima habang nagtamo ng minor injuries ang apat na kasama nito.

‎Nangako naman ang pumunuan ng kumpanya ang pagbibigay ng tulong-pinansyal sa pamilya ng nasawing manggagawa at sasagutin ang gastos sa medikal sa apat na nasugatang manggagawa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments