Matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos, sa pamamagitan ng City Human Resource Management Office (CHRMO) at City Information Office (CIO), ang Mobile Photography and Videography/Reels Training for Effective Government Communications na nilahukan ng mga multimedia focal persons mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod.
Layunin ng pagsasanay na mapaunlad ang kakayahan ng mga kalahok sa paglikha ng mas de-kalidad na visual content gamit ang kanilang mga mobile device upang higit pang mapahusay ang paghahatid ng napapanahon, wasto, at makabuluhang impormasyon sa publiko.
Ibinahagi sa mga ito ang mahahalagang kaalaman tungkol sa mobile photography at videography, paggawa ng reels, visual storytelling, at ang epektibong paggamit ng social media bilang makabagong kasangkapan sa komunikasyon ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, inaasahang mas mapalalakas ng mga multimedia focal persons ang kanilang kakayahan sa pagdodokumento at pagbabahagi ng mga programa, proyekto, at serbisyo ng pamahalaang lungsod sa mas malikhaing paraan.
Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng patuloy na pagpapahusay ng kasanayan ng mga kawani upang mas maging episyente ang pagbibigay ng impormasyon at mas mapalapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











