SAN CARLENEAN COLLEGE STUDENTS, HINIHIKAYAT NA MAG-APPLY SA CHED-UNIFAST TULONG DUNONG PROGRAM SCHOLARSHIP

Binuksan ang aplikasyon para sa CHED-UNIFAST Tulong Dunong Program (TDP) Scholarship para sa mga kwalipikadong estudyante ng San Carlenean College, na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga mag-aaral sa kolehiyo.

Sa ilalim ng programa, makatatanggap ang mga mapipiling benepisyaryo ng ₱7,500 na educational assistance para sa unang semestre ng School Year 2026–2027.

Tatanggapin ang unang 25 online applicants na makapagsusumite ng kinakailangang impormasyon sa pamamagitan ng itinakdang registration form.

Para maging kwalipikado, ang aplikante ay kailangang isang Pilipino at hindi dapat kasalukuyang benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES), CHED Scholarship Programs (CSPs), o iba pang national government-funded Student Financial Assistance Programs (StuFAPs), maliban sa mga itinakdang exemption tulad ng FHE at AICs.

Nilinaw na ang kasalukuyang proseso ay para sa masterlisting ng mga posibleng kwalipikadong benepisyaryo na ieendorso sa CHED. Ang CHED ang siyang magsasagawa ng pagsusuri at magpapasya kung sino ang maaaprubahan para makatanggap ng alokasyon at tulong pinansyal.

Pinaalalahanan naman ang mga aplikante na ang kanilang mga indibidwal na requirements at application form ay kailangang personal na isumite sa CHED Office sa oras ng pagproseso at pagkuha ng grant.

Awtomatikong isasara ang application form kapag nakumpleto na ang itinakdang bilang ng slots. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments