LALAKING NATAGPUAN SA GILID NG KANAL SA CALASIAO, PATAY

Wala nang buhay ang isang 26-anyos na lalaki nang matagpuan ito sa kanal sa gilid ng Sitio Habagat Road sa Barangay Talibaew, Calasiao, Pangasinan madaling-araw ng Hulyo 20.

Kinilala ang lalaki bilang residente ng Barangay Mancup, Calasiao.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, napansin ng tatlong dumaraang residente ang isang motorsiklong nasa sa gilid ng kalsada bandang alas-1:30 ng madaling-araw.

Matapos tignan, nakita na lamang nila ang biktima na pawang wala umanong malay sa katabing kanal.

Napaga-alamang may tinamong matinding pinsala ito sa ulo na sanhi ng kanyang pagkamatay, ayon sa attending physician.

Ayon sa Calasiao Municipal Police Station, nakitaan ng walong metrong skid mark ang lugar na pinangyarihan habang may pinsala rin ang kaliwang bahagi ng motorsiklo.

Tinitingnan ng pulisya na posibleng nawalan umano ng kontrol ang biktima sa kanyang minamanehong motorsiklo habang binabagtas ang zigzag na bahagi ng kalsada. Gayunman, patuloy parin ang imbestigasyon ng Calasiao Police Station sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments