ALAMINOS CITY POLICE, SUMUPORTA SA UNANG ARAW NG DISASTER RESILIENCE FAIR 2026

Nakiisa ang Alaminos City Police Station sa unang araw ng 3-Day Division-Wide Disaster Resilience Fair 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang ligtas, handa at matatag na komunidad.

Ang tatlong-araw na aktibidad ay isinagawa ng Schools Division Office of Alaminos City katuwang ang Local Government of Alaminos City, na naglalayong palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral sa panahon ng kalamidad, emergency at iba pang kritikal na sitwasyon.

Tampok sa unang araw ng programa ang iba’t ibang interactive activities, demonstration at learning sessions na nakatuon sa disaster preparedness, emergency response, safety awareness at community resilience.

Bukod sa pagbibigay ng kaalaman, nagsilbi rin ang programa bilang pagkakataon para malinang sa mga kabataan ang mahahalagang kasanayan na maaaring magamit sa pagtugon sa mga sakuna at emergency.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng Alaminos City Police Station, patuloy nitong sinusuportahan ang mga programang naglalayong gawing mas handa, responsable at resilient ang kabataan at ang buong komunidad.

Layunin ng naturang inisyatiba na makatulong sa pagtatatag ng isang mas ligtas at disaster-resilient na Alaminos City, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga paaralan, pamahalaan, law enforcement agencies at iba pang stakeholders. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments