Wednesday, September 9, 2026

Bilang ng mga lumalabag sa ipinapatupad na gun ban sa BARMM, nasa higit 20—COMELEC

Nakapagtala ng 21 gun ban violations ang Commission on Elections (COMELEC) at Philippine National Police (PNP) kaugnay ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections mula Hulyo 16 hanggang ngayong Setyembre 9.

Batay sa monitoring report ng COMELEC at PNP, 35 armas at pampasabog ang nakumpiska, kabilang ang 18 small arms, 10 light weapons at pitong explosives at iba pang ordinance kung saan nakuha rin ang 131 bala.

Base pa sa datos na ibinahagi ni COMELEC Chairman George Garcia, apat na indibidwal naman ang naaresto sa mga itinalagang checkpoint.

Umabot na rin sa 35,157 ang naitatag na COMELEC checkpoints, kabilang ang spot at mobile checkpoints, border control, joint PNP-Armed Forces of the Philippines checkpoints at strategic checkpoints.

Facebook Comments