Patuloy ang paghahatid ng tulong at serbisyong pangkalusugan sa mga residenteng nangangailangan sa Dagupan City ngayong Setyembre 10, 2026, sa pamamagitan ng mga programa ng lokal na pamahalaan, katuwang ang mga pambansang ahensya at pribadong organisasyon.
Umabot sa 220 batang malnourished na kabilang sa Unaen Su Mairap Bilay Program ang nakatanggap ng food packs at Charitimba mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Samantala, 72 buntis naman ang tumanggap ng food packs at Charitimba mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pamamagitan ni Sen. Kiko Pangilinan.
Bukod sa pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan, isinagawa rin ang mga serbisyong pangkalusugan para sa mga benepisyaryo.
Kabilang dito ang YAKAP registration, medical check-up, at pamamahagi ng libreng gamot, sa pangunguna at pakikipagtulungan ng City Health Office. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











