TEAM SAN CARLOS, NAKAHANDA SA GOVERNOR’S CUP PICKLEBALL TOURNAMENT

Binuksan na ang pagkakataon para sa mga pickleball players na nais maging bahagi ng Team San Carlos para sa nalalapit na Governor’s Cup Pickleball Tournament, matapos ianunsyo ang gaganaping tryouts sa Setyembre 12–13, 2026.

May kabuuang 25 kategorya ang nakatakda para sa tryouts, na hahatiin sa limang divisions at limang age brackets.

Bukas ang tryouts sa mga manlalarong naniniwalang kaya nilang makipagsabayan at katawanin ang San Carlos sa prestihiyosong kompetisyon.

Limitado lamang sa unang 16 na entries bawat kategorya ang tatanggapin.

Pinapayagan namang magparehistro ang isang player sa maraming divisions sa loob ng kanilang age bracket. Gayunman, kung mapipili, iisa lamang na division ang maaari nilang katawanin bilang opisyal na entry ng Team San Carlos.

Binigyang-diin din ang knockout format ng kompetisyon kung saan mahalaga ang bawat laban at bawat puntos dahil isang puwesto lamang ang nakalaan para sa mga mapipiling opisyal na kinatawan ng Team San Carlos.

Hinihikayat ang mga kwalipikadong pickleball players na magparehistro at ipakita ang kanilang galing, determinasyon at kakayahang ipaglaban ang pangalan ng San Carlos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments