Umabot sa tinatayang ₱408.45 bilyon ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pangasinan noong 2025, matapos lumago ng 4.3 porsiyento ang ekonomiya ng lalawigan.
Pagdating sa 2025growth rate ng mga major industries ng lalawigan, nakitaan ng paglago ang services kung saan nakapagtala ng 5.3% at industry na nakapagtala ng 5.2%.
Nakapagtala naman ng 0.05% na paghina ang industriya ng agriculture, forestry, at fishing.
Samantala, sa 2025 share ng mga major industries sa lalawigan, malaking bahagi ang services na may 53.4%, sumunod ang industry na may 29.8% at 16.8% naman sa agriculture, forestry at fishing.
Ayon kay Philippine Statistics Authority Pangasinan Supervising Statistical Specialist Verna M. Palsimon, bahagyang mas mababa ang economic growth ng
lalawigan sa taong 2025 kumpara sa 4.4 porsiyento na naitala noong 2024.
Sa kabila nito, pinakamalaki pa ring ekonomiya ang Pangasinan sa Ilocos Region noong nakaraang tao kung saan may tinatayang ₱768.63 bilyon Gross Regional Domestic Product. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







