LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION, PINAIIGTING SA SAN CARLOS CITY

Pinaigting ng City Veterinary Office ng San Carlos City, Pangasinan ang libreng pagbabakuna kontra rabies para sa mga alagang aso at pusa bilang bahagi ng hakbang na maprotektahan ang mga hayop, pamilya, at buong komunidad laban sa rabies.

Ayon sa iskedyul, isasagawa ang vaccination drive sa iba’t ibang barangay ng lungsod, simula ngayong Oktubre 6 hanggang Oktubre 8, 2026, ganap na alas-nuwebe ng umaga.

Ngayong Oktubre 6, nakatakdang puntahan ng City Veterinary Office ang Barangay Payar, habang sa Oktubre 7naman ang Barangay Coliling.

Samantala, sa Oktubre 8, isasagawa ang libreng anti-rabies vaccination sa Barangay Magtaking.

Hinikayat ang mga residente na ihanda at dalhin ang kanilang mga alagang aso at pusa upang mabakunahan at maprotektahan laban sa rabies.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ang publiko na mahalagang mapanatiling bakunado ang mga alagang hayop bilang bahagi ng responsableng pag-aalaga at pagpapanatili ng kaligtasan ng buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments