
Huli ang isang albularyo sa bisa ng search warrant matapos mahulihan ng 3 loose firearms sa General Trias City, Cavite.
Kinilala ang suspek na si alyas “Nilo” 72 years old at kilala bilang isang albularyo sa lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, bukod sa paggagamot,sya rin umano ay nagaalok ng agimat laban sa mga bala.
Kung saan ang nasabing suspek ay umano’y nakikitang nagdadala at nagpapaputok ng baril sa nasabing agimat para ipakita ang umano’y kapangyarihan nito.
Narekober sa kanya ang isang caliber 45 pistol, isang caliber 357 revolver, at isang caliber 22 revolver,magazines at ammunition.
Ang mga nasabing nakumpiskang baril ay napagalaman na walang kaukulang permit, maging ang nasabing albularyo ay walang lisensya para makapagmay-ari ng nasabing mga armas.
Dahil dito, siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.










