
Mariing kinondena ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago ang Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court na pumigil sa pagpapatupad ng napakaliit na P85 dagdag-sahod sa Metro Manila.
Bunsod nito ay nananawagan si Elago sa korte na agarang ibasura ang petisyon laban sa wage order na inihain ng aniya’y mga kompanyan na pa-victim masyado kahit milyones ang kanilang kinikita.
Diin ni Elago, ang P85 na dagdag-sahod ay hindi luho at hindi man lang din sapat para matustusan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, upa, singil sa kuryente, at iba pang batayang pangangailangan.
Kaya naman para kay Elago ang pagpigil sa kahit napakaliit na umento sa sweldo ay malinaw na pagpapakita ng kasakiman ng malalaking kumpanya na inuuna ang kita kaysa sa kapakanan ng kanilang mga manggagawa.
Kasabay nito, ay muli ding iginigiit ni Elgado agarang pagpasa sa panukalang batas na 1,200 Living Wage Bill.










