
Hindi pa tapos ang laban para sa mas mataas na sahod ng mga manggagawa.
Ito ang pahayag ng Malacañang matapos pansamantalang ipatigil ng korte ang pagpapatupad ng ₱85 umento sa minimum wage sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, susunod ang pamahalaan sa utos ng korte.
Pero patuloy nitong ipaglalaban ang nararapat na umento para sa mga manggagawa, kasabay ng pakikinig sa mga hinaing ng mga negosyante.
Kailangan aniyang maging balanse ang pagtingin sa isyu upang mapangalagaan ang interes ng parehong manggagawa at employer at makahanap ng solusyong kapaki-pakinabang sa magkabilang panig.
Facebook Comments










