
Tiniyak ng Department of Public Works and Highways o DPWH na matatapos sa lalong madaling panahon ang kanilang gagawing mga proyekto kontra baha partikular sa mga flood-prone area sa lungsod ng Maynila.
Kasunod na rin ito ng mga nararanasang pagbaha sa tuwing umuulan.
Inaasahang sisimulan ang proyekto sa Setyembre, na posibleng magdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko sa lugar.
Kaninang umaga nagsagawa ng inspeksyon si DPWH Secretary Vince Dizon at Manila Mayor Isko Moreno sa kahabaan ng España Boulevard na madalas bahain.
Pinag-usapan ng dalawang opisyal ang mga isasagawang flood mitigation project sa lugar.
Kabilang na rito ang pagpapaganda sa drainage system, itataas ang ilang bahagi ng kalsada, at magtatayo ng malaking catch basin sa Earnshaw sa bahagi ng Sampaloc.
Sa sandaling magawa ito ay mapapabilis ang pagdaloy ng tubig at mabawasan ang pagbaha sa España Boulevard maging sa karating na lugar.










