Wednesday, August 5, 2026

Paggamit ng alias o code names sa confidential funds, hindi direktang ipinagbabawal sa ilalim ng joint circular ng COA

Hindi direktang ipinagbabawal sa ilalim ng Joint Circular 2015-01 ang paggamit ng code names o aliases ng mga government agencies.

Kung matatandaan, sa mga isinumiteng acknowledgement receipts ng Office of the Vice President (OVP) mula December 21 hanggang 31, 2022 ay gumamit ng mga kaduda-dudang pangalan ang mga payees o tumanggap ng confidential funds tulad ni “Mary Grace Piattos”.

Sa Day 13 ng impeachment trial ay tinanong ni Senator-judge Bam Aquino kung pinapayagan ba ang mga ahensya sa paggamit ng alias o hindi totoong pangalan sa pagtanggap ng confidential funds.

Pero ayon kay COA Auditor Roderick Wamil, silent o walang direktang sinasabi ang naturang joint circular na bawal ang paggamit ng aliases o code names.

Aniya pa, wala rin silang paraan para madetermina kung alias o hindi ang ginamit na pangalan dahil nakabase lang sila sa isusumiteng dokumento.

Gayunman, bagama’t silent ang circular sa paggamit ng alias, idiniin ni Wamil na sa pagsusumite ng dokumento ng mga ahensya partikular sa confidential funds kailangan pa rin na totoong pangalan o totoong tao ang nakalagay.

Tinanong naman ni Senator-judge Erwin Tulfo kung nagsampa ba ang COA ng kaso kung sa tingin nila ay kahina-hinala ang disbursement ng confidential funds ng OVP.

Tugon dito ni Wamil, sa ilalim ng kanilang rules ay maaari lamang silang mag-refer ng kaso sa Office of the Ombudsman kung may final order na hindi na-comply ng OVP.

Gayunman, hindi na niya alam kung may kaso bang isinampa sa OVP dahil nailipat na rin siya ng opisina ng COA.

Facebook Comments