Saturday, August 8, 2026

Mas mahigpit na security measures sa mga paaralan, hiniling ng isang senador

Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go para sa mas mahigpit na security measures at maaasahang medical services sa mga paaralan kasunod ng insidente ng pananaksak sa isang 14 na taong gulang na estudyante ng Las Piñas National High School at iba pang mga krimen na nangyari sa mga eskwelahan.

Binigyang-diin ni Go na dapat mabigyang proteksyon ng mga educational institutions ang mga mag-aaral mula sa karahasan at makapaghanda sa pagbibigay ng agarang first aid sa tuwing may mangyayaring emergency.

Sinabi ni Go na ang insidente ay nagpapalakas sa pangangailangan ng mga paaralan na makapagmintina ng security systems at magkaroon ng pamamaraan sa pagtukoy at pagtugon sa mga banta bago pa man ito magresulta sa panganib.

Hinimok din ng mambabatas ang national government na pag-aralan ang posibilidad na pagde-deploy ng mga uniformed personnel partikular ng mga pulis para madagdagan ang security measures sa mga learning institutions.

Nagpaalala rin ang mambabatas sa mga eskwelahan na palakasin ang mga programa sa pagdidisiplina, peaceful conflict resolution, responsible behavior at mga seryosong resulta ng karahasan.

Dapat din aniya na sa mga emergency na mahalaga ang bawat minuto, dapat ay may trained health personnel na magbibigay agad ng first aid habang inaayos ang mabilis na pagdala sa ospital.

Facebook Comments