Thursday, October 15, 2026

Ilang senador, nirerespeto ang desisyon ng Sandiganbayan laban kay Sen. Jinggoy Estrada

Iginagalang ng mga senador ang desisyon ng Sandiganbayan 5th Division na patawan ng panibagong 90-day preventive suspension si Senator Jinggoy Estrada na kasalukuyang nakakulong dahil sa plunder case kaugnay ng P573 million maanomalyang infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong 2025.

Gayunman, sinabi ng kasamahan sa minorya na si Senator Bong Go na nananatili pa ring senador si Estrada.

Sana aniya ay mabigyan ng pagkakataon si Estrada na magampanan ang kanyang trabaho bilang senador at makabalik sa trabaho sa lalong madaling panahon.

Samantala, sinabi naman ni Senator JV Ejercito na kapatid ni Estrada na desisyon ng korte ito at hindi nila mapanghihimasukan.

Dagdag pa ni Ejercito, bilang co-equal branch ay kailangan nilang irespeto ito at magtiwala sa due process at sa justice system.

Facebook Comments