GINOO MULA SA BAYAN NG MAPANDAN, WAGI SA ISANG INTERNATIONAL PAGEANT

Taas noo na iwinagayway ang bandila ng Pilipinas, tumindig sa entablado, at ipinakita ang kisig at mabuting puso ng mga Pilipino – Yan si Renz Brylle Ferrer Ondocon ng bayan ng Mapandan.
Naiuwi ni Renz ang korona at itinanghal bilang Mister Tourism Ambassador Universe 2026 – World sa katatapos lamang na pageant sa Malaysia.
Ipinakita niya sa naturang patimpalak ang kaniyang pusong Pilipino na may malakas na pananalig, pagmamahal sa kultura, at tumindig para bayan – mga katangian na nagdala sa kaniya sa korona.
Ayon sa kaniyang Facebook post, ang pagkakaroon ng titulo ay hindi lamang nagtatapos sa pagsuot ng korona kundi hanggang sa pinakadahilan ng pagsusuot nito, ang maging inspirasyon para sa karamihan.
Kaya naman ang koronang nakamit ay kaniyang iniaalay hindi lamang sa buong Pilipinas kundi lalo na sa bayan ng Mapandan na siyang unang naniwala at humubog sa kaniya upang makamit ang kaniyang pangarap na magkaroon ng pagkakataong irepresenta ang bansa sa International Pageant. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments