Wednesday, August 5, 2026

BOLINAO FALLS, PANSAMANTALANG ISINARA DAHIL SA MALAKAS NA AGOS NG TUBIG

Naglabas ng paalala ang Bolinao Tourism and Information Office nitong Martes, Agosto 4, na sarado pa rin ang Bolinao Falls at bawal pa rin ang paglangoy at iba pang water activities sa Bolinao Beach dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.

Ayon sa inilabas na tourist advisory, pansamantalang isinarado ang Bolinao Falls bunsod ng malakas na agos ng tubig at malabong kondisyon ng tubig na maaaring magdulot ng panganib sa mga turista at residente.

Samantala, ipinagbawal din ang paglangoy at iba pang aktibidad sa dagat sa Bolinao Beach dahil sa masamang kondisyon ng panahon upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Humihiling ang lokal na pamahalaan ng pang-unawa at kooperasyon ng lahat habang inuuna ang kaligtasan ng mga bumibisita at naninirahan sa lugar.

Pinapayuhan din ang publiko na manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo at mga update mula sa mga lokal na awtoridad hinggil sa lagay ng panahon at muling pagbubukas ng mga naturang destinasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments