Tuesday, August 25, 2026

BOC, paiigtingin pa ang koordinasyon sa PNP para hindi na maulit ang insidente sa Bulacan

Binigyang-diin ng Bureau of Customs (BOC) na nananatiling matatag ang kanilang pakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP).

Pahayag ito ng BOC matapos ang insidente ng komprontasyon kamakailan sa pagitan ng ahensiya at ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) nang sinisira ang mga nakumpiskang smuggled na sigarilyo sa Bulacan.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, mahalaga ang paggalang, tiwala at maayos na koordinasyon sa laban ng gobyerno kontra smuggling at iligal na kalakalan.

Marami na anilang matagumpay na joint operations ang dalawang ahensiya na nagresulta sa pagkakahuli at pagkumpiska sa bilyun-bilyong pisong halaga ng mga produkto.

Sinabi rin ni Nepomuceno na isolated na maituturing ang insidente kasabay ng paggiit ng suporta sa mga tauhan mg Customs na ginampanan lamang ang kanilang tungkulin.

Sa huli, pinasalamatan ng ahensiya ang PNP sa agad na pagtugon sa isyu habang gimagawa na rin sila ng hakbang para mapalakas pa ang koordinasyon at ang operational protocols para maiwasan nang maulit ang ganitong insidente.

Facebook Comments