Wednesday, November 4, 2026

Alfonso Police , kinondena ang naiulat na mass poisoning na ikinamatay ng walong aso at apat na pusa

Mariing kinondena ng Alfonso Municipal Police Station ang umano’y mass poisoning na ikinamatay ng walong aso at apat na pusa sa Cavite.

Sa inilabas na pahayag ng Alfonso Police, agad na nagsagawa ng aksyon ang pulisya matapos na matanggap ang ulat .

In-advise naman ng mga imbestigador na pormal na i-report ang mga kaugnay na insidente at makipag-ugnayan sa barangay para sa tamang dokumentasyon bilang suporta sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Hinimok din ng Alfonso Police ang sinumang may impormasyon tungkol dito na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na police station.

Binigyang-diin ng pulisya na walang puwang sa komunidad ang pagmamalupit sa mga hayop at sisikapin nilang matukoy at mapanagot sa batas ang mga nasa likod nito.

Facebook Comments