
Suportado ng ilang grupo ng konsyumer at transport, legal, at motorcycle rider, ang pagpapataw ng ₱555.75 million na multa sa Move It PH ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), matapos itong lumabag sa itinakdang cap sa nasabing platform.
Ayon kay Ariel Lim ng National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Associations of the Philippines (NACTODAP) at National Public Transport Coalition (NPTC), matagal na silang naghain ng kaso laban sa sobra-sobrang bilang ng motorcycle taxi riders na nakakaapekto sa kabuhayan ng mga tricycle driver.
Dahil sa isyu, naungkat rin sa press conference ng mga grupo ang palaisipan sa kung paano nabeberepika ang mandatory rider accreditation, training, at safety requirementa ng mga MC Taxi riders kung labis ang bilang nito at ang dating problema sa pamamahagi ng government fuel assistance.
Paalala ng mga grupo, patuloy nilang imo-monitor ang mga susunod na hakbang ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB sa pagpapatupad ng multa laban sa Move It PH.
Samantala, kabilang naman sa mga grupong nagpahayag ng pagsuporta dito ay ang NACTODAP, Digital Pinoys, Lawyers for Commuters’ Safety and Protection, Pilipino Society and Development Advocates for Commuters and Consumers at iba pa.










