
Inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ng Comelec Task Force SAFE ang kasalukuyang alkalde ng San Jose, Nueva Ecija na tumatakbong kongresista.
Ito ay dahil sa pahayag ni Mayor Mario “Kokoy” Salvador sa gitna ng kaniyang kampanya noong April 29.
Batay sa kopya ng SCO, posibleng may naging paglabag si Salvador sa Comelec Resolution No. 11116 o Anti-discrimination and fair campaigning guidelines para sa 2025 midterm elections.
Partikular sa inaalam ng Task Force SAFE ang posibleng pamamahiya at diskriminasyon sa persons with disabilities (PWD) dahil sa kaniyang banat laban sa katunggaling kandidato.
May tatlong araw din si Salvador upang sumagot sa Show Cause Order.
Facebook Comments