Yana Vlog, hindi sumipot sa preliminary hearing ng LTO

Hindi sumipot sa pagdinig ng Land Transportation Office o LTO si Alyana Mari Aguinaldo, ang nasa likod ng Yana moto vlog na nasangkot sa nag-viral na road rage sa Zambales.

Sa halip, ang abogado niya na si Atty. Ace Jurado ang dumating sa preliminary hearing.

Ayon kay Atty. Jurado, nakatatanggap na umano ng mga pagbabanta sa buhay ang kaniyang kliyente kung kaya’t nagpasiya itong manatili na lang sa bahay.

Sa isang apology letter na binasa ni Atty. Jurado, humingi ng sorry vlogger sa driver ng isang pick-up truck at sa lahat ng mga nasaktan sa ipinakita niyang asal.

Ang pag-sorry umano niya ay hindi upang makakuha ng simpatiya kundi magsilbing aral upang hindi na pamarisan ng iba.

Hindi na rin umano lalabanan ni Yana ang mga kasong isinampa sa kaniya at nakahanda niyang tanggapin ang anumang ipapataw sa kaniyang parusa.

Ayon naman sa driver na si Jimmy Pascua, tutuluyan niyang sasampahan ng kaso si Yana dahil hindi katanggap-tangap ang pag-sorry nito.

Katakot-takot umano ang inabot niyang kahihiyan sa pag-post nito sa social media ng ginawa nitong pang-iinsulto sa kaniya.

Hindi rin kinakitaan ng sinseridad si Yana dahil sa idinaan lang ito sa sulat.

Facebook Comments