Alkalde ng Valenzuela, binisita ang burol ng biktima na pinatay ng riding in tandem sa lungsod

549
COURTESY: VALENZUELA CITY FB

Nagpaabot ng pakikiramay si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa pamilya ng isang company messsenger na binaril ng riding in tandem sa Maysan Road noong Biyernes, October 9, 2020.

Kinilala ang biktima na si Niño Luigi Hernando ng Barangay Parada na kalalabas lamang ng bangko nang sundan ng mga armadong lalaki.

Sa inisyal na report mula sa Valenzuela Police, si Hernando ang taga-withdraw ng sahod sa kanilang kumpanya.

Sa CCTV footage, makikitang sinundan ng riding in tandem ang biktima.

Pinaputukan sa ulo at kinuha ang motorsiklo at bag na may lamang pera.

Sa Facebook post ng alkalde, binisita ni Mayor Gatchalian ang burol ng biktima at tiniyak sa pamilya na tututukan ang nasabing krimen.

Nagbigay ng numero si Gatchalian kasabay ng apela sa publiko na tulungan ang pamilya upang makuha ang hustisya.




Sa makakapagbigay ng impormasyon na may ugnayan sa mga suspek, maaaring tumawag sa 83524000.

Facebook Comments