
Dumating na sa bansa ang 1,419 na buntis na gatasang baka mula Australia na inaasahang magpapataas sa lokal na produksyon ng gatas.
Ayon sa National Dairy Authority (NDA), ito ang unang pag-aangkat ng mga gatasang baka matapos ang halos tatlong taon.
Ipapadala ang mga ito sa mga pasilidad sa Nueva Ecija, Bohol at Bukidnon para sa quarantine at pag-aangkop sa klima ng bansa.
Inaasahang aabot sa mahigit 2,500 ang bilang ng mga baka, kasama ang kanilang magiging anak, na posibleng makapagprodyus ng karagdagang 5.9 milyong litro ng gatas sa 2027.
Ayon sa NDA, ipamamahagi ang mga baka sa mga kwalipikadong magsasaka at kooperatiba upang mapalakas ang lokal na produksyon at kanilang kabuhayan.
Facebook Comments










