Friday, October 16, 2026

Face to face classes sa Philippine Science High School, suspendido ng dalawang araw sa susunod na Linggo

Inanunsiyo ng Philippine Science High School (PSHS) na suspendido ang face-to-face classes sa October 19 at 20, 2026 (Lunes at Martes).

Ito’y bilang pag-iingat sa gitna ng dumaraming kaso ng influenza-like illnesses (ILI) sa loob ng campus.

Sa inilabas na abiso, ipapatupad muna ang alternative learning modes habang work-from-home arrangement naman ang mga teacher gayundin ang ibang personnel.

Gaganapin din online ang mga club at homeroom meeting ngayong Biyernes, Oktubre 16 kung saan tuloy rin ang pamamahagi ng card ng estudyante.

Pinayuhan naman ang mga guro, non-teaching personnel at estudyante na agad na magreport sa Health Services Unit sakaling makaranas o may anumang sintomas ng influenza-like illness.

Ito’y upang mabigyan sila agad ng ng kaukulang atensyong medikal para gumaling sa nararamdaman sakit.

Facebook Comments