Alyssa Valdez, kabilang sa national team na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo

Labis ang tuwa ang naramdaman ng veteran Filipino volleyball player na si Alyssa Valdez matapos mapabilang muli siya sa national team na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa Hanoi, Vietnam.

Matatandaang hindi napasama sa line-up si Valdez noong AVC Asian Championship na ginanap sa Thailand noong nakaraang taon.

Ayon kay Valdez, sobrang thankful siya dahil mabibigyan na naman siya ng pagkakataon na irepresent ang bansa natin.


Maliban kay Valdez, nakabalik din sa listahan si playmaker Jia Morado na isa rin sa mga nawala sa line up sa AVC tournament.

Facebook Comments