Monday, November 23, 2026

Contingency plan laban sa epekto ng El Niño sa mga bilangguan, ipinag-utos ng BuCor

Inatasan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang lahat ng pamunuan ng mga bilangguan at penal farm sa bansa na magsumite ng contingency plan laban sa posibleng epekto ng El Niño.

Layunin ng nasabing direktiba na matiyak ang patuloy na probisyon ng serbisyo, pati na rin ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga person deprived of liberty (PDL) at mga tauhan ng BuCor sa gitna ng inaasahang tagtuyot at kakulangan sa tubig.

Binigyang-diin ng opisyal ang kahalagahan ng paghahanda sa suplay ng pagkain at tubig, serbisyong medikal, maayos na bentilasyon, at pagtukoy sa mga kwalipikadong pasyente o vulnerable PDL na mabilis maapektuhan ng matinding init.

Binigyan ng BuCor ng may hanggang November 2 ang mga prison superintendent upang isumite ang kanilang mga plano sa Office of the Director General bilang bahagi ng pagpapalakas sa disaster preparedness.

Facebook Comments