Operasyon ng MMDA, nananatiling normal sa kabila ng pagpositibo sa COVID ng 82 empleyado

46

Tiniyak ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na normal pa rin ang kanilang operasyon.

Ito ay bagama’t 82 sa mga tauhan nila ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa MMDA, karamihan sa mga nagpositibong empleyado ay may mild symptoms.


Naka-isolate na ito ngayon at patuloy ang contact tracing ng MMDA.

Tiniyak naman ng MMDA na hindi maaapektuhan ang kanilang pagseserbisyo sa publiko.

Facebook Comments