
Nilinaw ng Senate Impeachment Court na maaaring talakayin sa impeachment trial ang mga records ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa umano’y financial transactions ni Vice President Sara Duterte.
Sa kabila na rin ito ng patuloy na pagtutol ng defense team ng bise presidente dahil sa paggiit ng confidentiality sa mga financial records na ipinagbabawal ilabas sa publiko.
Idiniin ni Tongol na klaro ang naging ruling ni presiding officer Chiz Escudero na hindi confidential ang AMLC records kaya ito ipina-subpoena ng Impeachment Court.
Naging batayan ng ruling ang Anti-Money Laundering Act na confidential ang AMLC records pero exemption o pupwedeng buksan kapag hiningi sa impeachment trial.
Sa impeachment trial sa susunod na linggo kung saan haharap ang executive director ng AMLC, sinabi ni Tongol na maaring magkaroon lang ng diskusyon kung paano ipiprisinta ang mga financial records.
Kung matatandaan kahapon, hindi natuloy ang pagprisinta sa testigo ng prosekusyon mula sa AMLC dahil humingi ng sapat na panahon ang depensa para mapag-aralan ang mga records mula sa AMLC.
