Andray Blatche, hindi pa rin nakakasama sa practice ng Gilas Pilipinas

42

Gilas Pilipinas – Hindi pa rin sumipot ang naturalized player ng Gilas Pilipinas sa kanilang practice session kahapon bilang paghahanda sa FIBA world cup qualifiers.

Una nang napaulat nitong nakaraang linggo raw ang dating sa bansa ni Andray Blatche pero wala pa rin ito.

Kabilang naman sa naging bahagi sa practice ng Gilas ay sina Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Mac Belo, Troy Rosario, Kevin Alas, Calvin Abueva, Matthew Wright, Allein Maliksi, Carl Cruz, Roger Pogoy, Raymond Almazan at si Gabe Norwood.

Nag-post na lamang ng mensahe sa kaniyang instagram account si Blatche at sinabing darating din siya sa lalong madaling panahon kung saan mayroon lang daw itong importanteng bagay na aasikasuhin.

Facebook Comments