British boxer Amir Khan, planong lumaban ng tatlong beses sa susunod na taon

22

Sports – Plano ngayon ni British boxer Amir Khan na lumaban ng tatlong beses sa susunod na taon.

Magsisimula sa buwan ng Pebrero ang unang laban ni British boxer Amir Khan matapos ang ilang buwang pamamahinga dahil sa injury.

Ayon sa dating world champion pagkatapos ng Pebrero ay isasagawa agad sa Mayo ang sunod na laban nito pero hindi pa sigurado kung kailan ang ikatlong laban.

Matatandaan na huling lumaban si Khan noong may 2016 ng talunin siya ni WBC middleweight champion Saul “Canelo” Alvarez at matapos noon ay sumailalim ito sa operasyon sa kamay.

Facebook Comments