
Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang presensya nito para sa nalalapit na kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa September 14.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang zero election-related incident ay nagpapatunay lamang na ginagawa ng pulisya ang lahat para matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Kaugnay nito, wala pang namo-monitor na anumang banta ang PNP para sa nasabing eleksyon.
Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Commission on Elections (COMELEC), mga lokal na pamahalaan, at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad.
Sa kasalukuyan, pangunahing binibigyang-pansin ang mahigpit na pagpapatupad ng gun ban, bilang hakbang upang mapigilan ang paggalaw ng pangunahing ginagamit sa pananakot, intimidasyon, at karahasang may kaugnayan sa halalan.
Nanawagan naman si Nartatez sa publiko na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad sakaling may makitang banta sa nasabing aktibidad.










