Wednesday, August 26, 2026

Coconut Palace, muling binuksan para sa ASEAN Summit sa Nobyembre

Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang muling pagbubukas ng Coconut Palace sa Pasay City, bilang bahagi ng paghahanda ng Pilipinas sa 49th ASEAN Leaders’ Summit sa Nobyembre.

Sa muling pagbubukas nito, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagpapanatili sa Coconut Palace bilang bahagi ng pamana ng bansa at pagpapakita ng kakayahan at identidad ng mga Pilipino.

Sumailalim sa restoration ang palasyo matapos halos limang dekada mula nang itayo ito noong 1978.

Ayon kay Pangulong Marcos, magiging tahanan ng mga lider at bisita ng ASEAN ang Coconut Palace, na aniya’y malinaw na kumakatawan sa sariling gawang Pilipino.

Matapos ang ASEAN Summit, plano ng Government Service Insurance System o GSIS na buksan ang Coconut Palace sa publiko.

Pinag-aaralan din ang posibilidad na magkaroon ng entrance fee at bayad para sa private events at bookings, subject pa sa pag-apruba ng GSIS Board of Trustees.

Facebook Comments