Saturday, September 5, 2026

Mindanao grid, ilalagay sa Yellow Alert ngayong araw

Ilalagay sa Yellow Alert ang Mindanao Grid ngayong araw ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon sa NGCP, ipatutupad ang Yellow Alert mula alas-5:00 hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Ayon pa sa ulat ng ahensiya, pitong planta ng kuryente ang kasalukuyang naka-forced outage ngayong Setyembre.

Habang nakaforce outage pa rin ang sampung planta mula pa noong Agosto, apat mula Hulyo, isa mula Hunyo, dalawa mula Enero, isa mula 2025, at isang planta mula 2024.

Samantala, pitong planta ang tumatakbo sa derated capacity o sa limitadong kapasidad.

Sinabi ng NGCP na ang pangunahing dahilan ng pagdeklara ng Yellow Alert ay hindi operational ang malalaking coal-fired power plants.

Anila, inisyu ang Yellow Alert kapag ang operating margin ay hindi sapat para matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.

Facebook Comments