Alex Eala, laglag na sa W60 Grenoble Tournament

Laglag na sa W60 Grenoble Tournament ang Pinay tennis player na si Alex Eala.

Ito ay matapos siyang mabigo sa laban kontra kay Chloe Paquet sa round of 16 ng torneyo na ginanap sa France.

Tumagal nang higit dalawa’t kalahating oras ang laban kung saan nagtapos ito sa score na 6-4, 5-7, 3-6.


Nabigo rin si Eala na makahabol mula sa 5-2 deficit sa ikatlong set ng kanilang laro.

Bago niyan, tinalo ni Eala ang pambato ng Italy na si Stefania Rubini at Thanh Lan Truong ng France.

Facebook Comments